Sunday, April 22, 2012

` HINDI KARAPAT-DAPAT `

Hindi ko alam kung bakit,
Ako ay iyong naakit.
Sa iyong tindig at porma,
Ako'y nabihag mo na.

Pinipilit kong iwasan
Ngunit mahirap takasan.
Sana yy matauhan
At ito'y malunasan.

Hindi maintindihan
Bakit ba sadyang ganyan,
Pag pag-ibig natagpuan
Mahirap ng kalasan.

Di nagtagal, ako'y nasaktan
Nalaman na ako'y pinaglaruan.
Labis itong iniyakan,
Ngunit ito'y di pinagsisihan.

Ganyan talaga ang buhay
Sabi ng aking nanay.
Siya ay hindi karapat-dapat,
Sa pag-ibig mong tunay at tapat.


~>un0h-rai jam

No comments:

Post a Comment