Sunday, April 22, 2012

"RalFina: Lovestory yata?"

"Grabe, antagal naman nya. Ang tagal ko ng naghihintay ah," himutok ni Fina. "Konti na lang, bibinggo na sa akin un."

-after 10 more minutes-

"Mahal ko, pasensiya na nahuli ako. Traffic kasi eh. May nagbanggaang jeep tas motor," paliwanag ni Rald.

"Anu pa nga ba ang magagawa ko? Haay ewan." sagot ni Fina.

"Uy, galit ka ba?;

"Hindi!"

"Galit ka eh."

"Hindi nga sabi. Ang kulit."

"Galit ka eh."

"Edi, galit. Gusto mong magalit ako eh. Hmmp."

"Ito naman, joke lang. Sige, di ka na galit." nakangiting sabi ni Rald. "Mahal ko, may asthma na yata ako."

"Hah?! Ano?! Totoo ba yan?" nagpapanic na tanong ni Fina.

"Oo. Kasi, you take my breath away."

"What? Ang korni mo talaga, as in. Naku, tara na nga. Baka wala na taung maupuan. Gustong-gusto ko pa naman panoodin ung movie."

"Teka lang, mahal ko. Hintayin mo ako."

-pagdating sa sinehan-

"Buti mejo maaga pa. Marami-rami pang vacant seats." sabi ni Fina. "Oh, bakit?"

"Anung bakit?" tugon ni Rald.

"Bakit kung makahawak ka sa kamay ko para akong mawawala."

"Kasi pagpasok natin sa sinehan, may nabasa ako. Sabi dun, 'Do not leave ur valuables unattended'. Ayokong mawala ka kaya iniingatan lang kita." nakangiting sagot ni Rald.

"Korni mo talaga. Umupo ka na nga lang at kumain ng popcorn." pangiti-ngiti namang sabi ni Fina.

-pagkatapos ng pelikula. palabas na sila rald at fina sa sinehan-

"Grabe, ang ganda tala nung bagong movie ng pirates of the carribean." natutuwang sabi ni Fina.

"Oo nga eh, maganda talaga."

"Ows? Nanood ka ba talaga? Parang hindi naman eh."

"Nanood ako. Papanoorin ko pa yun kahit paulit-ulit pa."

"Weeh? Kung nanood ka, kwento mo nga ung nangyari." nanghahamong sabi ni Fina kay Rald.

"Ahm, wala namang maxadong nangyari. Pero kahit ganun ang ganda pa rin nyang panoodin."

"Anu?? Ang dami kayang nangyari dun sa movie."

"Yung pelikula ba ang pinag-uusapan natin?"

"Opo kaya. Anu ba ung pinagsasabi mong maganda, kung hindi ung pelikula?" nagtatakang tanong ni Fina.

"Iyon ba. Di ko naman maxadong napanood ung pelikula eh. Bakit pa ako maghahanap ng magandang panoodin? Nanjan ka naman. Para sa akin, titigan lang kita wala ng panama ang mga blockbuster movies." sabay kindat na sabi ni Rald.

"Hah? Super adik ka talaga." natatawang tugon ni Fina pero sa lo0b-loob nya ay natutuwa at kinilig xa sa narinig nya.

"Ayos lang kahit di ka maniwala. Ang mahalaga, napangiti kita." nakangiti pa ring sabi ni Rald. "Tara, kain na tau. Alam ko namang gutom ka pa eh. Ikaw pa, mahal ko. Hehe."

"Tumpak ka jan, Rald. Halika na."

-sa bahay nila Fina-

kriiing, kriiing!!

"hello!"

"hi, mahal ko!"

"Rald, napatawag ka."

"Bakit masama bang tawagan ang babaeng nakabihag sa napaka-ilap kong puso?" sabi ni Rald.

"Wala akong sinasabing masama noh. Adik. Musta naman pala sila tito't tita?"

"Ito naman mas inunang kumustahin sila mama't papa. Ako, di m0 man lang kukumustahin?" pakunwaring tampo ni Rald.

"Nagtatampo daw ang isa jan." natatawang tugon ni Fina. "Alam ko namang ligtas kang nakauwi noh. Sa boses mo pa lang, alam ko kung ok ka o hindi. Tsaka, gugustuhin mo bang mag-alala ako, if ever?"

"Syempre, hindi. Ayokong makitang malungkot at nag-aalala dahil sa akin. Gusto ko, parati kang masaya. Dahil gusto ko palagi kang masaya sa piling ko." ang sagot ni Rald sa tanong ni Fina.

"Oh pala. Ikaw talaga"

"Mahal ko, para kang mga bituin sa langit."

"At bakit naman?"

"Kasi ikaw ang nagbibigay liwanag sa aking gabing napakadilim."

"Ok, ok.. haha.. Akala mo hah, ako din meron."

"Abah naman. Sige nga." naghahamong sabi ni Rald.

"Para kang pustiso, Rald" :)

"At bakit?"

"Kasi, I really can't smile without you."

"Wow naman."

"Xempre, natuto sa master eh. Hehehe. Tsaka, totoo un. Kahit minsan nasusungitan kita, at gusto kong manatiling galit sau, di ko magawa. Dahil parati mo akong napapangiti sa mga hirit mo." :D

"Kasi ayoko namang nagagalit ka sa akin ng matagal kaya ganun. At gusto ko parating makita ang pang-close up smile mo. Ahaha."

"Napaka-adik mo talaga." sungit-sungitang sabi ni Fina pero natutuwa xa talaga sa mga cnasabi ni Rald. "Lumalalim na pala ang gabi. Inaantok na ako, Rald. Matulog na tau."

"Ok, mahal ko. Tulog kang mabuti. Dream of me. I love u so much! Mwaah."

"Sige. Love u too, Rald. Swit dreams."

~>un0h-rai *jam* ツ

No comments:

Post a Comment