Ako'y nakabantay.
Umaasang ikaw ay nariyan
Hanggang ngayon ay naghihintay.
Sa aking duyan,
Ako'y umaasa.
Na isang araw ikaw ay dumaan
Ngitian kahit saglit, ako ay masaya na.
Araw o gabi,
Umulan man o hindi.
Sa aking duyan laging nakamasid
Para sa iyong muling pagbabalik.
Hindi mo alam,
O wala mang pakielam.
Ikaw ay matagal ng iniibig
Sa iyong pagmamahal ako'y sabik.
Ngunit isang araw,
Ako'y nabulahaw.
Habang sa duyan at patuloy na nakahiga,
Nalaman na ika'y may mahal ng iba.
Labis na nasaktan,
Ako'y naguluhan.
Inisip na ako ay may pag-asa,
Pero ito ay nawalang parang bula.
Nang biglaan,
Bumuhos ang ulan.
Kasabay nito'y pagbuhos ng luha
Na hindi naitago sa labis na pagluksa.
Sa aking duyan,
Nagmahal at nasaktan.
Pero ito ay buong-puso pa ring tinanggap.
At sa aking duyan ay patuloy pa ring mangangarap.
~> un0h-rai *jam* ツ
No comments:
Post a Comment